Monday, December 7, 2009

Anong silbi ng OWWA sa mga OFW

ano nga ba talaga silbi ng owwa sa ating mga ofw at sa mga matatanda na sa ibang bansa na inabutan na ng kamatayan. Katulad na lang ng aking ama na isang member ng owwa at hanggang 2005 nakapagbayad sya dito ngunit nung 2007 hindi na tinanggap ang kanilang bayad dahil sila ay matanda na at pensionado na. Ngayong 2009 sya ay binawian ng buhay dito sa italy pero ni isang kusing wala man lang silang maibigay sa aking ama. Ano b talaga ang patakaran nila sa owwa n pagdating ng iyong katandaan at exempted k na sa pagbayad at ikaw ay namatay sa ibang bansa mababalewala ba lahat ng ibinayad mo sa kanila. San napunta ang ibinayad ng aking ama sa kanila sa loob ng 20 years. Wala bang karapatan ang aking ama na makakuha man lang ng benepisyo na dapat na makuha ng isang member ng owwa. Ibig sabihin ba nito lahat ng ibinayad ng aking ama ay balewala lang. Para ano pa at kailangan pa nating magbayad ng owwa at kung pagdating naman ng ating katandaan o yung sinsabi nilang exempted na sa pagbayad at ikaw ay biglang namatay ay di ka na pala kasali at mabibigyan ng benepisyo dahil ikaw ay di na nagbayad ng owwa. Sa tingin nyo po ba makatarungan po ba yon para sa aking ama na ngbayad sa loob ng 20 years na ni isang kusing wala man lang silang maibigay na benepisyo man lang. Ano po ba talaga ang basehan nila upang makamit mo ang benepisyo na dapat nilang ibigay sa maga katulad ng ama ko na wala man napala sa mga ibinayad nya sa owwa.